23
aldin-ayo
By

Hindi kami matitinag – UST coach Ayo sa pagkatalo

Sharing is caring!

Pagkatapos matalo kontra National University Bulldogs, sinabi ni University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers head coach Aldin Ayo na hindi sila matitinag ngayong UAAP Season 81.

Natalo ang Growling Tigers laban sa Bulldogs, 70-75, sa Mall of Asia Arena kahapon.

“Hindi kami matitinag sa ganitong talo. We’re just going to keep on working hard and playing hard for UST,” ani Ayo pagkatapos ng laban.

Kahit pa gumawa ng 20 puntos ang kanilang rookie na si CJ Cansino, hindi pa rin masaya si Ayo sa pinakita ng kanyang koponan.

“I’m not happy because we lost e. Walang mga silver lining dito na si CJ naka-bente or may mga players na maganda ‘yung laro,” saad ni Ayo.

“Bottom line, we lost eh so we’re not going to be satisfied with it,” dagdag ni Ayo.

Kahit pa hindi nila naiuwi ang panalo, naniniwala pa rin si Ayo sa kanyang koponan na makababalik ito mula sa pagkatalo.

“This is only our first game. We still have 13 games and pwede pa mag-adjust,” pahayag ni Ayo. “Good thing dito is ‘yung mga bata, buong-buo e, even with this loss.”

Sunod na makalalaban ni Ayo at ng UST ang Far Eastern University sa Miyerkoles, Setyembre 13, sa Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?