80
Hindi kami kinakabahan – Arwind Santos sa 2-1 lead ng Magnolia
By

Hindi kami kinakabahan – Arwind Santos sa 2-1 lead ng Magnolia

Kumpiyansa pa rin si San Miguel forward Arwind Santos, ito ay sa kabila ng kinakaharap na 2-1 disadvantage nila kontra sa Magnolia sa PBA Philippine Cup finals series.

Aniya, kahit ano pa ang ibato ng Magnolia, mapa-high or low scoring game man, kayang-kaya itong tapatan ng four-time defending champs.

Sa Game 3, isa si Santos sa mga umakay sa San Miguel, naglista ng 19 points, 12 rebounds, apat na assists at tatlong blocks, ngunit nauwi pa rin sa 86-82 loss kontra Magnolia.

“Wala yan, hindi kami kinakabahan sa ganyan,” ayon kay Santos. “Ita-tie lang namin yan, sisiguraduhin namin na mananalo kami ng Game 4. Tapos best-of-three ang usapan.”

Kung may kayang bumangon sa pagkasadlak, walang duda na kaya itong gawin ng SMB, dati nang nakahabol sa 0-3 disadvantage kontra Alaska noong 2016 PBA Philippine Cup

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?