84
'Hindi kami hihinto!' PH pag-aaralan nang maigi ang Indonesia
Dec 8, 2019 @ 14:26
By

‘Hindi kami hihinto!’ PH pag-aaralan nang maigi ang Indonesia

Naging leksiyon para kay national women’s volleyball team captain Aby Marano ang tapatan ng koponan nitong Sabado para sa pagtatapos ng preliminary ng Women’s Volleyball ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Bagama’t walang bearing ang naging laban ng dalawang koponan, gagamitin ito ng national squad upang mapabuti pa ang kanilang laro para sa bronze medal match sa darating na Lunes kontra Indonesia.

“Ako, palagay ko, kailangan namin aralin ulit yung laro na ‘to, kung paano nila kami tinalo at kung ano yung mga pagkakamali na hindi namin dapat dalhin sa susunod na laban. Magiging technical kami sa pag-aaral. Hihimayin namin ‘yung mga bagay kung sa’n kami nahirapan, sa’n kami effective, so pagdating namin do’n alam namin kung paano namin sila ika-counter,” ani Marano.

Wala ring balak magpaawat ang koponan para makasampa sa podium finish ng biennial meet.

“At kung ano man yung mga pagkukulang namin sa latter part ng match na hindi naging effective ngayon, ia-assess namin yun and at the same time pipilitin namin sa abot ng makakaya na hanggang hindi pumapatak ng 25 yung score, hindi kami hihinto. ‘Yun lang yon, magandang mindset,” saad ng coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?