10

Jan 11, 2021 @ 15:33
By

Hindi kailangan mamulitika! Rex Gatchalian pinangakong walang VIP sa bakuna

Siniguro ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na magiging malinis ang rollout ng libreng bakuna kontra COVID-19 sa kanilang lungsod.

Tinanong si Gatchalian ni Politiko Live anchor Jon Ibañez sa programang ‘Balitaan at Kumustahan’ kung hindi mababahiran ng politika ang pamimigay nila ng 640,000 dose ng COVID-19 vaccine sa 320,000 Valenzuelano.

“Mayroon kaming app ‘yung ValTrace namin which is universal, meaning every Valenzuelano has a QR code. We will actually use that same platform,” saad ni Gatchalian.

“Pero syempre may binigay lang ‘yung DOH (Department of Health) na priority list, uunahin syempre yung mga doktor, senior citizens, mauuna lang sila,” aniya pa.

Giit pa ni Gatchalian, hindi na niya kailangang magpabango sa mga residente ng Valenzuela o sa kahit sino para mahaluan ng politika ang vaccine rollout sa kanilang lungsod.

“Last election naman kasi, halos lahat ng boto napunta rin naman sa akin,” paliwanag ng alkalde.

“It serves me no purpose na mamili [ng mababakunahan] dahil sa awa ng Valenzuelano, every election ko halos laging ganyan ang margin ko, 95 pataas na voting population, nakukuha ko.”

Lahad din ng alkalde na masaya siya sa local government at wala sa plano ang pagpasok sa posisyong pangnasyonal.

“I will probably stay in the local realm dahil marami pang pwedeng gawin dito… pwede naman din tayong mag-Congress siguro,” sambit ni Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?