29

WHO, hindi inirekomenda ang Dengvaxia

Sharing is caring!

Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na hindi nila inirekomenda sa mga bansa ang paggamit ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine para sa kanilang immunization program.

Sa isang statement, sinabi ng WHO na nasabing rekomendasyon ay hindi kasama sa kanilang position paper na inilabas noong Hulyo 2017.

“WHO’s position on the dengue vaccine was published in July 2016, based on recommendations of the strategic group of experts on immunization which met and published preliminary advice in mid-April 2016,” sabi ng WHO.

“The WHO position paper did not include a recommendation to countries to introduce the dengue vaccine into their national immunization programs.”

Noong nagdaang linggo, inamin ng Sanofi Pasteur, manufacturer ng Dengvaxia, na maaring makasama sa sakit ng tao ang sinumang naturukan nito kahit hindi pa tinamaan ng dengue.

Sabi pa ng WHO, itinuloy na umano ng Department of Health’s (DOH) anti-dengue vaccine program bago pa man inilabas ang kanilang advice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?