167

Nov 9, 2017 @ 16:42
By

Hindi hazing ang ikinamatay ni Atio – Mr. and Mrs. Castillo

Nanindigan ang mga magulang ni Horacio “Atio” Castillo III na hazing ang ikinamatay ng kanilang anak at hindi ang kundisyon na Hypertrophic Cardiomyophaty o enlargement of the heart.

Ito ay batay sa isinumiteng reply affidavit nina Horacio at Carmina Castillo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Department of Justice kaugnay ng inihain nilang reklamo laban sa mga myembro ng Aegis Juris Fraternity.

Ayon sa mag-asawa, batay sa “Histopathological Report” ng Manila Police District, ang dahilan ng pagkamatay ni Atio ay “severe blunt traumatic injuries” o matinding pinsala na kanyang tinamo sa kanyang braso na nagresulta sa “rhabdomyolysis” o skeletal muscle breakdown na humantong naman sa acute kidney injury.

“Based on the foregoing, the cause of death of our son, Atio, was clearly severe blunt traumatic injuries in both of his upper arms, which resulted in rhabdomyolysis, which in turn resulted in acute kidney failure,” ang nakasaad sa reply affidavit.

Ang alegasyon din umano ng mga respondent na si Atio ay may pre-existing condition na hypertrophic cardiomyopathy o HCM ay ibinatay lamang nila sa provisiomal anatomical diagnosis ng MPD at hindi ito ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

“Thus, it is beyond dispute that Atio’s injuries, which he sustained as a result of the hazing inflicted upon him by Aegis Juris, is evidently serious in nature as to have been the proximate cause of his death,” ang pagpapatuloy ng kanilang reply affidavit.

Iginiit pa ng mga magulang ni Atio na may sapat na circumstancial evidence para sabihin na ang mga respondent ay may partisipasyon sa hazing.

Naniniwala rin ang mga complainant na ang krimen ay pasok sa elemento at qualifying circumstances ng murder dahil sa presensya ng pag-abuso sa superior strength nang kanilang pagtulungan na isailalim sa physical at psychological torture si Atio.

Samantala, itinakda naman ng panel of prosecutors ang pagsusumite ng rejoinder o tugon ng mga respondent sa reply affidavit ng mga complainant sa November 16, 2017.

Pag-aaralan din ng panel kung kailangan pang ituloy ang planong clarificatory hearing na pansamantalang itinakda sa November 28, 2017. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?