21

Oct 5, 2020 @ 18:32
By

Hindi deserve mag-champion! Kuzma sinusuka ng mga Lakers fan

Sukdulan na ang inis ng ilang tagahanga ng Los Angeles Lakers sa kanilang bagitong player na si Kyle Kuzma.

Ito’y matapos na gumawa ang isang fan ng petisyon kung saan nakalahad na sakaling magkampeon ang Lakers ay hindi dapat bigyan ng championship ring ang 25-year old forward.

Ang solid pa sa petisyon ay umaabot na sa 3,000 ang pumipirma dito, ibig sabihin ay aprub sa kanila na hindi mabigyan ng ring si Kuzma.

Kung titingnan ang stats ni Kuzma ngayong postseason, nag-average ito ng 10.1 points sa disenteng 44 percent shooting sa field, 31 percent naman sa three-point land.

Malayo ang average ni Kuzma kumpara noong kanyang sophomore season, kung saan inaasahan na maging star player siya matapos na bumuhos ng 19 points kada laro ngunit biglang bumagsak ang performance sa pagdating nina LeBron James at Anthony Davis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?