37
wps3
By

Hindi dapat ikatuwa na sa iba nakatutok ang missiles ng China – solons

Sharing is caring!

Hinimok nina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at dating Rep. Neri Colmenares ang administrasyong Duterte na hingin na ang suporta ng international community para kondenahin ang China.

Sa harap ito ng patuloy na pagpapalakas ng militarisasyon sa West Philippine Sea (WPS) kasunod ng paglalagay ng missile system at jamming device sa Spratly Islands.

Binanatan nina Zarate at Colmenares ang Palasyo dahil sa pagbalewala sa hakbang na ito ng China sapagkat hindi naman daw nakatuon sa Pilipinas.

“The fallout from the increasing militarization of the West Philippines Sea would surely affect our country whether it be a shooting war or not. What the Duterte administration should do is protest this latest Chinese provocation and involve the international community in denouncing this act,” sabi ni Zarate.

“Malacañang should not be happy that these missiles may be pointed at other countries because it can just as easily be pointed at the Philippines when it would suit China’s purpose. I think that the statement is another Malacañang joke, but it is not funny,” ayon kay Colmenares.

Sinabi ni Colmenares na nagsimula lamang ang pagiging agresibo ng China nang malaman nito ang yaman sa WPS dahil sa pinasok ng Arroyo administration na joint marine seismic undertaking o JMSU.

Ayon naman kay Zarate, hindi dapat ulitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sellout na ginawa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Pilipinas tungo sa kamay ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?