46

Nov 16, 2021 @ 17:02
By

Hindi broken pero— Sunshine first time nagmaiksing buhok

Hindi naman daw broken-hearted pero ginulat ni Sunshine Cruz ang kaniyang fans matapos nitong pagupitan ang kaniyang mahabang buhok.

Sa larawan sa kaniyang Instagram, pinakita niya ang bagong gupit na buhok.

“Great things never came from comfort zones. Sometimes, change is good,” caption nito sa nasabing post.


Sa isa pang post, pinangalanan naman ng aktres ang gumupit sa kaniyang buhok na si Marivic Peña.

“On to the next one. Thank you for continually blessing me. Alway grateful. Hair: Marivic Peña of @southsalon,” pahayag nito.


Wala namang nilinaw ang aktres kung para sa role ang kaniyang pagpapagupit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?