26,105
topacio
Dec 24, 2019 @ 16:44
By

Hindi baleng ma-ban sa US habambuhay basta ‘forever’ sa kulungan si De Lima – Topacio

Walang pakialam si Filipino lawyer Ferdinand Topacio kung hindi na siya makatuntong sa Amerika habambuhay.

Reaksyon ito ng abogado matapos pirmahan ni US President Donald Trump ang kanilang 2020 budget kung saan kasama ang probisyon na nagba-ban na makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagkakakulong ni Senadora Leila de Lima.

Sa kanyang tweet nitong Disyembre 24, sinabi ng abogado, ang mahalaga ay kabahagi siya para mapanatili ang isang korap at imoral na drug dealer sa loob ng kulungan habambuhay, na ang tinutukoy ay si De Lima.

“I don’t give a rat’s ass if I don’t go to the US anymore for the rest of my life. What is important is that I do my share in keeping a corrupt, immoral drug-dealer in jail for the rest of her life. That is much more important,” ani Topacio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?