18

Nov 9, 2021 @ 18:39
By

Hindi bakunadong driver bawal na dumaan sa Baguio

Hindi na papayagan ang mga driver na hindi pa nabakunahan laban sa COVID-19 na dumaan sa mass transport route ng Baguio City simula Nobyembre 10.

Sa isang advisory, sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tanging ang mga nabakunahang driver ng public utility jeepney, taxi, at UV Express, maging ang mga nakatanggap ng kanilang unang dosis lamang ang papayagang makapag-operate sa lungsod upang maprotektahan ang mga pasahero laban sa coronavirus.

Ang mga nagmamaneho ng mga mahahalaga at hindi mahahalagang sasakyang pangkargamento ay hindi kasama at patuloy na papayagan sa pagdaan.

Batay sa direktiba, ang mga driver na hindi pa bakunado, residente man ng lungsod o hindi, ay dadalhin sa drive-thru vaccination site sa Baguio Athletic Bowl.

Nakaalerto ngayon ang mga awtoridad upang matiyak na sinusunod ang health protocol sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?