18

By

Hindi angkop ang tawag na ‘honorable’ sa mga kongresista – gabinete

Ipinagtanggol ng mga kapwa miyembro ng gabinete si Budget Secretary Benjamin Diokno laban sa hakbang ng mga kongresista na ipasibak ito sa puwesto kaugnay sa kontrobersiya sa 2019 proposed national budget.

Sa joint statement ng mga gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na binasa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, inihayag ng mga ito ang pagkadismaya sa ipinakitang kagaspangan ng ilang kongresista.

Hindi aniya angkop ang tawag na “honorable”sa mga mambabatas na nagpakita ng hindi kagandahang asal lalo pa at ikinakatawan ng mga ito ang mga mamamayan ng kanilang distrito.

“This unparliamentary behavior has no place in the hallowed grounds of Congress, where members are referred to as “Honorable” as they represent their districts or sectors. There is no honor in browbeating a fellow worker and officer in government. We will not allow a similar incident from taking place,” ani Panelo.

Binigyang-diin pa ni Panelo na maayos ang tratong ipinapakita ng Ehekutibo sa mga mambabatas kaya dapat ganoon din ang gawin ng mga ito.

“Akin to when the Palace calls on the honorable leaders and members of Congress, the Executive Branch must show them courtesy befitting their positions (as it has religiously observed before). The Palace accordingly hopes that there would be no repeat of the recent incident in the House of Representatives involving our Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?