36

Jan 28, 2021 @ 19:27
By

Hindi ako pinag-resign ni Duterte – Aguirre

Pinabulaanan ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang mga kritisismo na pinagsabihan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sa puwesto noong 2018 dahil sa graft and corruption.

Sabi ni Aguirre na dumalo sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa serye ng pagpatay sa bansa, ang kanyang pagkatalaga bilang commissioner sa National Police Commission (Napolcom) ay patunay lang na malinis ang kanyang pangalan.

“Hindi po naniniwala ang mga ibang kolumnista na nag-resign ako, ang sinasabi nila ako raw ay pinag-resign gawa ng graft and corruption,” sabi ni Aguirre sa pagdinig.

“The mere fact that I was reappointed by the President in a position in government speaks for itself,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Aguirre matapos talakayin ang hindi nareresolbang mga pagpatay at kawalan ng abogado sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Itinanggi din nito na ipinag-utos niya ang pagbasura sa reklamo laban sa pinaghihinalaang drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pang kasama nito sa kaso.

Sabi ni Aguirre, ang reklamong inihain ng PNP-CIDG ay kulang sa kopya ng transcript of stenographic notes ng Senate hearing na dapat sana’y naglalaman ng ebidensiya laban kina Lim at Espinosa.

“Di naman totoo ‘yun kasi di pa nakakarating ‘yun sa Office of the Secretary. Appellate lamang po ako, nandoon pa po ‘yan sa Office of the Prosecutor General,” sabi ni Aguirre.

“Pero para maiwasan ang public backlash against the President, hindi po naniniwala ang mga ibang kolumnista diyan na nag-resign ako, ang sinasabi nila ako raw ay pinag-resign gawa ng graft and corruption,” paliwanag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?