136

Nov 6, 2017 @ 12:46

Hindi ako nag-drive kay Atio sa ospital – Romeo Raboga

Pinabulaan ng driver ng isa sa mga suspek pagpatay Horacio “Atio” Castillo III na siya ang nag-drive ng sasakyan na nagdala sa binata sa ospital matapos ang inititiation rites.

Sa pagdinig kahapon ng Senate committee on public order and illegal drugs, sinabi ni Romeo Raboga, driver ni Ralph Trangia, isa sa mga suspek sa Atio slay case, na wala siyang minamanehong pulang pick up na nagdala kay Atio sa Chinese General Hospital (CGH).

“Wala po,” sagot ni Raboga nang tanuningin ni Sen Grace Poe.

Una nang sinabi ni John Paul Solano, isa sa mga suspek sa pagkamatay ni Atio, na kasama niya si Raboga at isa pang fraternity member na si Alvin Balag nang isugod nila si Castillo sa CGH.

Sabi noon ni Solana, isinakay nila si Atio na isinakay sa pulang Strada pick-up na pag-aari diumano ni Trangia.

Sina Trangia at Solano, mga miyembro ng Aegis Juris fraternity, ay parehong primary suspects sa pagapatay ky Castillo noong Setyembre 17.

Nang tanungin ni Sen. Win Gatchalian kung nasaan siya noong oras na dinala si Atio sa CGN, sinabi nitong kasama niya ang kanyang among si Antonio Trangia, ama ni Ralph, sa kanilang shop sa Meycauayan, Bulacan.

“Kasama ko po sa shop ang aking amo, si Antonio Trangia sa Bulacan,” sambit pa ni Raboga.

Giit pa nito, wala siyang pinamanehong pulang pick up dahil Mitsubishi Pajero umano ang sasakyan ng kanyang among si Antonio. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?