77

Oct 6, 2017 @ 17:25

Hindi ako magbibitiw sa puwesto – Duterte

Walang planong mag-resign si Pangulong Rodrigo Duterte  sa kanyang  puwesto hanggat  hindi natatapos  ang  kanyang  buong  termino.

Ito ang  tiniyak  ng Pangulo kahapon sa  kabila  ng  mga pagtatangka na sirain at ibagsak ang kanyang pamamahala  sa  pamamagitan  ng mga  akusasyon  ng  mga  kalabang pulitiko tulad  ni senador  Antonio Trillanes IV.

Sinabi  ng  Presidente na  bagamat  napapagod  siya  dahil sa  dami ng  trabaho,  mayroon siyang  sinumpaang  kasunduan sa  taong bayan at  hindi niya  ito  sisirain.

” I’m 72, I need  to sleep at least  about  7 hours to keep me up the  whole  day. Pero nandiyan yung trabaho, the only way to escape  is to quit eh hindi naman maganda  yan kasi ang  covenant  ko is  I will serve you for  six  years. With God’s  will, Allah, maibigay ko sa  mga  pilipino ang  pangako ko'” ang  sabi  ng Presidente.

Sinabi  ni Pangulong  Duterte  na  minsan ay  inaabot  siya  ng  ala-una ng  madaling  araw  sa  pag-review at  pagpirma  ng  mga  dokumento at napupuyat din pero  kailangan aniyang  tapusin ang  trabaho.

Hangad   ng Punong Ehekutibo na sana  ay  maging  maayos  ang  takbo  ng  gobyerno  at sana  ay maiiwas  ang  bansa  sa  mga  kalamidad at sakuna at  malutas ang  mga  problema  sa  mga moro sa Mindanao.

“I pray for  guidance  especially  that I am now  at the  helm, ako yung  kapitan ng  barko at sana ay  walang  darating  na  mga  kalamidad at pagsubok. I have so many problems  to solve, I’n trying to solve  the  historical problem with the  moro  and  there’s fighting  going  on in Marawi  that’s why I try  to be  there with the  troops to show  my solidarity,” ang dagdag  na  pahayag  ng Presidente.(Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?