116

Dec 11, 2017 @ 11:09
By

Hindi ako kumita sa right-of-way scam – Singson

Pinabulaanan ni dating Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson na kumita siya sa diumano’y road right-of-way scam (RROW).

“I did not profit nor gained anything from any of these land claims as accused by Secretary (Vitaliano) Aguirre,” pahayag ni Singson sa pagdinig ng Senate public works committee hearing tungkol sa P8.7-billion RROW scam.

Ayon sa dating kalihim, hindi umano siya binayaran ng P8.7 bilyon sa General Santos City at hindi umano siya korap at plunderer.

“There is no P8.7 billion paid in General Santos. I was not a corrupt secretary and definitely not a plunderer,” dagdag pa nito.

Si Singson, kasama si Budget Secretary Florencio “Butch” Abad, at Eldon Cruz, brother-in-law ni dating Pangulong Benigno Aquino III, ay isinangkot ng isang witness na si Roberto Catapang Jr. sa nasabing anomalya na nangyari noong 2011.

Naunang nang sinabi ni Catapang na si Cruz diumano ay ginagamit ng sindikato na gustong makakakuha ng kompensasyon sa RROW para sa owners na naapektuhan ng kosntruksiyon ng national highway sa General Santos City. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?