63

Oct 18, 2017 @ 16:00

Hindi ako kasama sa cover-up – UST Law Dean

Mariing pinabulaanan ni University of Santo Tomas Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina na bahagi siya ng akusasyon na may cover-up sa kaso ng pagkamaay sa hazing ng 22 anyos na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.

“One thing that is clearly established in this proceeding, I have no liability I have no culpability, I have no knowledge prior to this incident,” pahayag ni Divina matapos ang pagdinig kahapon sa Senado

“I was not party to any cover-up so there’s no way that I could be liable,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa nito, ang pag-report niya sa Board of Regents at administrator ng UST sa insidente ay indukasyon na walang cover-up na nangyari sa kaso ni Castillo.

“The fact that we informed the regent clearly indicates that there is no cover up because if there is cover up why do we inform the regent and the administration of the school,” ayon kay Divina.

Ginawa ni Divina ang pahayag matapos sabihin ni Manila Police District (MPD) director Sr. Supt. Joel Coronel sa Senado na nagtangka ang mga kasapi ng fraternity na magtakipan sa kani-kanilang naging papel sa hazing ni Castillo.

Iprinisenta pa ni Coronel sa Senado ang screenshots ng mga messages ng mga miyembro ng Aegis Juris sa kanyang Facebook group chat noong Setyembre 17 hanggang Setyembre 18.

Kasabay nito, binigyang-diin din ni Divina na hindi nagtungo sa kanyang tanggapan sa Makati noong Setyembre 12, limang araw bago isinagawa ang hazing rites.

Sabi ni Divina, ang close circuit television sa kanilang tanggapan ang magpapatunay hindi nagpunta doon si Atio tulad nang sinasabi ng kanyang mga mag-ulang na sina Horacio Jr. at Carmina Castillo.

“The CCTV footage of the building we have 16 in our office kaya it has established that Atio has never set foot in my office,” ayon sa UST Faculty of Law Dean.

“The footage indicates my activities from the time I am in the office until I left in the office and even the time I went to the comfort room and atio was not there,” sambit pa nito.

Samantala, batay sa testimoniya ng isa pang suspek na si John Paul Solano sa executive session sa Senado, sinabi nitong si Divina ang naghikayat sa kanyang sumuko sa awtoridad.

Sinabi din ni Senador Panfilo Lacson, chair ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na hindi bahagi ng initiation rites si Divina. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?