47

By

‘Hindi ako kalaban’ – Liza

Sharing is caring!

Si Ice Seguerra ang nag-organize ng intimate party ng kanyang wifey na si Liza Diño-Seguerra sa JRich Building sa Sto. Domingo Avenue.

Chef na chef si Liza na pagdating sa party ay may mga dalang sandok. Aligaga siya that day dahil nagluto siya ng kanyang famous adobo (na ginawa nilang negosyo ni Ice na Adobo in a Jar) at saka pochero para sa mga bisita niya.

Dagdag na food lang ‘yon dahil meron namang ibang handa. Mahilig lang talagang magluto ang masipag na chairperson ng Film Development Council of the Philippines.

1 ½ years pa lang siya sa posisyon niya pero in all fairness ay ang dami nang nagawa ni Liza.

Touched ang birthday girl sa mga duma­ting sa kanyang party at panay ang pasalamat niya sa mga ito.
Sabi niya sa kanyang maiksing speech bago niya binlow ang candles sa kanyang birthday cake, “Kahit minsan, magkakaiba ‘yung mga opinyon natin, I really appreciate the respect that we have towards each other. And that’s why you’re here tonight
“It’s really not easy pala to be in a place where every move you make is being watched, being judged. And even if you have a lot of good intentions, minsan clouded siya ng mga sariling hugot nila sa buhay, which is very understandable.
“So, I’m here and I hope that the people here understand and know na we may have different approaches on how we want to bring the industry together but I’m here, I’m an ally.
“Hindi ako kalaban. Hindi ako against what you want. I’m really a supporter and a partner,” emosyonal na sambit ni Liza.
Totoo naman ‘yon dahil hindi lahat ng taga-industriya ay sang-ayon sa kasalukuyang gobyerno, lalo na sa nakaupong presidente.
Pero sabi nga ni Liza, ang tunay na mga friend ay magkakaibigan pa rin kahit magkakaiba ang paniniwalang politikal.
At dahil party ‘yon with her staff and close friends ay super-dance si Liza pati na rin ang mister niyang si Ice, na ganadong humataw sa dance floor nu’ng gabing ‘yon.
Nabanggit nga pala sa amin ni Liza na 22 ang natanggap nilang entry na gustong mapasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong 2018.
Walong pelikula ang pipiliin mula sa 22 na ‘yon, na ipapalabas sa mga sinehan nationwide sa August 15-21. (Allan Diones)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?