92

Oct 3, 2020 @ 20:30
By

Hindi ako dilawan! JV pumalag sa insulto ng netizen

Nag-react si dating senador JV Ejercito sa netizen na nagmura matapos niyang purihin si Vice President Leni Robredo.

Sa isang tweet sinabi ni Ejercito na dapat bigyang kredito ang ginagawang pagtulong ng Bise Presidente sa publiko ngayong pandemic.

“VP @lenirobredo may not be my partymate but we have to give due credit, she has been one of the busiest in helping people during the pandemic,” lahad ni Ejercito.

Pero hindi ito kinatuwa ng netizen at shinare ang screenshot ng tweet ni Ejercito, at nilagyan ng comment na, “Anak ka nga ng tatay mong gago.”

Pinalagan ito ng dating mambabatas at sinabing gusto lang naman niyang papurihan ang mga mabubuting ginagawa ni Robredo ngayong pandemya pero hindi siya kailanman naging “dilawan”, na bansag sa mga kumokontra sa gobyerno.

Kilala lang daw siya sa pagiging tapat at pagsasabi sa nilalaman ng kanyang isipan.

“Did we really get this low? Just praised VP Leni for what she has done during Pandemic and I get insulted? Was never a dilawan and will never belong to this circle. Even President Duterte praised me for speaking my mind and being honest in pointing out lapses of the admin,” sambit ni Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?