294
Hindi ako bayarang artista – Robin Padilla
May 13, 2019 @ 19:21
By

Hindi ako bayarang artista – Robin Padilla

Sabay na bumoto ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa ginanap na midterm elections.

Sa kaniyang Instagram ibinahagi ni Mariel ang excitement niya nang makaboto kasama ang asawa.

“I woke up at 5:30am because I wanted to be at the voting hall by 6am. I said “gusto ko ako yung unang bibigyan ng balota” hahaha please exercise your RIGHT to vote and vote wisely!!!” ani Mariel.

Samantala, nag-post naman ng kaniyang pagiging makabayan si Robin sa kaniyang IG.

“Ako ay hindi bayaran na artista! Katulad ni Andres Bonifacio wala ng hihigit pa sa pag ibig sa tinubuang lupa. Akoy walang hangad na kapalit sa aking mga sakripisyo para sa Inangbayan kundi ang magkaron ng pag asa ang mga mahihirap at walang laban,” saad ni Binoe.

View this post on Instagram

Ako ay hindi bayaran na artista! Katulad ni Andres Bonifacio wala ng hihigit pa sa pag ibig sa tinubuang lupa. Akoy walang hangad na kapalit sa aking mga sakripisyo para sa Inangbayan kundi ang magkaron ng pag asa ang mga mahihirap at walang laban. Walang pinakamahalaga sa akin kundi ang kalayaan sa kahirapan ng kapwa ko Pilipino. Hindi ako pulitiko at lalong hindi ako namumulitika dahil kahit isang sentimo hindi ako tumatanggap ng bayad mula sa mga pulitiko, kaibigan o kapanalig dahil ayaw ko mabahiran ng Pera ng Taongbayan ang aking pagiging Rebolusyonaryo. Ang lahat ng itoy inaalay ko unang una sa Panginoong Dios na maylikha sa ating lahat! pangalawa ay sa pinakamamahal kong Inangbayan Pilipinas! pangatlo ay sa mga inaaping kapwa ko Pilipino! Hinding hindi ko ibebenta ang aking dangal at mga prinsipyo kahit kanino man kaya magtiwala kayo sa akin mga kababayan ko. Ang lahat ng aking gawa pati ang aking hininga ay para sa pagbabago. Mabuhay ang Rebolusyon! Mabuhay ang Katipunan! Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?