83

Nov 9, 2017 @ 15:01
By

Hindi ako ang ‘Big brother’ ng Aegis Juris – UST law dean

Pinabulaan ni Univeristy of Santo Tomas (UST) Faculty of Law Dean Nilo Divina na siya ang tinutukoy na ‘Big brother’ ng Aegis Juris Fraternity.

Ito ay sa kabila na mga espekulasyon ng ilan na siya ang tinutukoy na “big brother” ng kapatiran.

Ayon kay Divina, wala siyang alam na may tinatawag palang big brother ang mga miyembro ng Aegis Juris at nalaman nalang niya ito matapos ang nangyari kay Horacio Castillo III.

Lumutang ang pangalan ni Dean Divina sa pagdinig ng Senado sa pagkamatay ni Atio at nang sabihin na rin ni Sen. Panfilo Lacson na karamihan sa mga kasamahan nilang mambabatas ang naniniwalang tinutukoy na big brother ay walang iba kundi si Divina.

Paliwanag ni Lacson, lumalabas kasi na si Dean Divina ang pinaka-prominente at mistulang pinaka-maimpluwensyang miyembro ng Aegis Juris.

Matatandaan na sa naging pagdinig ng Senado noong Lunes, lumabas na si Atty. Eric Fuentes na isa ring miyembro ng Aegis Juris ang nag-relay sa pamamagitan ng social media nang instruction ng tinatawag nilang big brother sa lahat ng ka-brod nito na magpakita ng suporta sa kanilang fratmates.

Nilinaw naman ni Fuentes na generic term lamang nila ang katagang para sa mga dating presidente at elders ng Aegis Juris at itinanggi rin niyang si Dean Divina ang tinatawag na big brother dahil ang malimit aniyang tawag nila dito ay Dean Divina o Sir Divina. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?