46

May 19, 2020 @ 12:00
By

Hinarang ng security! Leonardo DiCaprio hirap makalapit kay Jordan

Kahit ang sikat na Hollywood actor ay nahirapan pa ring makadaupang-palad si Michael Jordan sa ‘The Last Dance’.

Sa huling episode ng ESPN 10-part sports documentary, nasulyapan si Leonardo DiCaprio na nagmistulang fan habang nakikipag-usap kay Jordan.

Ito’y isang taon bago namayagpag ang acting career ni Leonardo nang bumida sa classic film na ‘Titanic’.

Sa kwento ni Ahmad Rashad, isang veteran sports journalist, matapos ang Finals win ng Chicago Bulls kontra Utah Jazz ay nakita niyang may mga nagkukumpulang teenager para makalusot sa locker room at makita ng malapitan si MJ.

Hinaharang ng mga security ang mga ito at pinapapwesto sa bandang likuran, nang dito mapansin ni Rashad na kasama si Leonardo kaya’t gumawa ng paraan para makalusot ang noong 24-anyos na aktor.

Pinaupo ni Rashad sina Leonardo sa gilid ng training room kung saan dito na niya nakita nang harapan si Jordan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?