12

Oct 11, 2020 @ 21:15
By

Hinalang lady suicide bomber ipapa-deport ng Immigration

Hinahanda na ng Bureau of Immigration ang pagpapa-deport sa inarestong Indonesian na kasama sa listahan ng militar sa mga foreign suicide bomber.

Nahuli si Resky Fantasya Rullie, kasama ang dalawa pang pinaniniwalaan na asawa ng mga Abu Sayyaf member, sa Jolo, Sulu nitong Sabado.

Saad sa pahayag ng BI, nahuli si Rullie na nagbabalak umano ng pambobomba sa Sulu bago ito madakip ng militar.

“They have been brought to the police station for documentation and filing of charges. A deportation case has been recommended to be filed against Rullie for terrorism, being an illegal entrant, and for undesirability, apart from the criminal charges that she faces,” ayon kay BI Intelligence Mindanao Task Group head Melody Gonzales.

Bago ipa-deport ang Indonesian ay haharapin muna nito ang kasong kriminal sa bansa matapos itong mahulihan ng suicide vest at mga sangkap sa paggawa ng improvised explosive device.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?