337

Jan 5, 2022 @ 10:01
By

Hinala ni Gadon: Desisyon ng SC may halong politika

Pinaghihinalaan ni Atty. Larry Gadon na may koneksyon ang pagtakbo niya para senador sa naging desisyon ng Supreme Court na patawan siya ng preventive suspension kaugnay ng pambabastos niya sa mamamahayag na si Raissa Robles.

Nitong Martes ay inilabas ng SC ang desisyon kung saan sinuspinde nito si Gadon at pinagpapaliwanag kung bakit hindi siya dapat masipa bilang abogado.

Sa kanyang panig, sinabi ni Gadon na hindi dumaan sa tamang proseso ang desisyon ng korte.

“For an institution that prides itself for safeguarding due process of laws, I am confused that the Supreme Court immediately suspended me without due process and my suspension was announced in the media without furnishing me first with a copy of the complaint, if there is any,” saad ni Gadon ayon sa ulat ng One News.

“Could this be due to my recent statement calling for a refund of the protest fees paid by BBM [Bongbong Marcos] that remained unsolved? Could this be politically motivated since I am running for senator?” tanong ng abogado.

Si Gadon ay tumatakbong senador sa darating na halalan sa ikatlong pagkakataon.

Nagviral siyang muli matapos pagmumurahin si Robles kaugnay ng naging statement ng mamamahayag laban kay Marcos. (mjd)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?