60

Sep 21, 2021 @ 20:07
By

Himala! Casimero nag-sorry kay Donaire

Mukhang may nagdaang anghel sa gitna ng harapan nina Johnriel Casimero at Nonito Donaire sa isang episode ng Powcast Sports ngayong Martes.

Ito ay dahil sa ‘di inaasahang pangyayari, nagpakumbaba si Casimero at nag-sorry sa nangyaring gusot sa pagitan ng kampo nila ni Donaire.

“Sinabi ko sa asawa mo (Rachel) na pasensya na kung yung mga kasama ko may nagawang mali. Kaya tuldukan na natin, tapusin na natin yun. Sumagot ako sa interview ngayon para sa darating na laban,” wika ni Casimero.

“Ok ako dun. Ok ako dun,” tugon naman ni Donaire.

Ang dalawa ay maglalaban sana noong Agosto para pag-isahin ang kanilang mga bantamweight belts ngunit dahil sa mga sagutan sa pagitan ng kanilang mga kampo ay hindi ito natuloy.

Gayunpaman, dahil parehong kampeon sa iisang dibisyon, hindi malayo ang sagupaan sa pagitan ng dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?