24

Oct 5, 2021 @ 18:35
By

Hillsong pastor dinikdik sa pagkunsinti sa erpat

Maghahain umano ng not guilty plea si Hillsong founder Brian Houston hinggil sa kasong isinampa sa kanya dahil tinago raw niya sa mga awtoridad ang pag-aabusong sexual na ginawa ng kanyang ama laban sa isang bata noong 1970.

Ayon sa court documents, nalaman ni Houston ang ginawa ng ama noong pang Setyembre 1, 1999, ngunit itinago ito sa mga kinauukulan hanggang sa mamatay na lang ang kanyang erpat noong 2004.

Noong Agosto pa inanunsyo ng New South Wales police sa Australia ang kasong isasampa kay Houston.

“Police will allege in court the man knew information relating to the sexual abuse of a young male in the 1970s and failed to bring that information to the attention of police,” batay sa statement ng pulisya.

Todo-depensa rin naman ang pastor sa paratang.

“I vehemently profess my innocence and will defend these charges and I welcome the opportunity to set the record straight,” aniya.

Noong 2015 ay lumutang ang balitang inabuso ng ama ni Brian na si Frank ang siyam na bata.

Si Brian ang nagtayo ng Hillsong Church na ngayo’y nakakalat sa 30 bansa sa mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?