44

Hillary Clinton, most admired woman ng 2017

Tinanghal na most admired woman of 2017 si Hillary Clinton sa kabila na natalo siya sa US 2016 presidential election.

Ayon sa taunang Gallup poll, hindi lang popular si Clinton kundi pinaka-hinahangaang babae rin sa buong mundo, na ika-16 taon na niyang nakakamit.

Nagreyna ang dating presidential candidate at First Lady sa most admired woman sa loob ng 16 na taon nang magkakasunod.

Isa rin siya sa nag-iisang admired person sa kasaysayan ng Gallup, isang American research-based, global performance-management consulting company na kilala sa kanilang public opinion polls na isinasagawa sa buong mundo.

Naungusan niya si dati ring first lady Michelle Obama na nakakuha lang ng 2% ng boto.

Kabilang sa nakatunggali nito sa parangal sina Oprah Winfrey, Elizabeth Warren, Angela Merkel, Queen Elizabeth II, Condoleezza Rice, Melania Trump, Nikki Haley, Kate Middleton, at Beyoncé Knowles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?