56

May 5, 2021 @ 17:32
By

Hiling ni Sinas, ‘di OK kay Bello

Hindi sinang-ayunan ni Department of Labor and Employment (DOLE) secretary Silvestre Bello III ang hiling ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na i-require ang police clearance sa iba’t-ibang transaksyon sa ahensya.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni Bello na sumulat na siya kay Sinas noong Martes upang ipaabot ang pagtanggi nito sa hiling ng PNP chief.

Ayon kay Bello, ang pagre-require ng police clearance sa mga transaksyon sa ahensya “will do more harm than good.”

Nagdaos na umano ng survey ang ahensya sa kanilang mga stakeholder kung saan lumabas na 94% ng mga empleyado at manggagawa ang ‘di sumang-ayon sa panukala ni Sinas.

“It is a form of a red tape to all and an additional financial burden to many. It is also not aligned with the policy of the President as embodied in the Republic Act No. 11032, also known as the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, and Executive Order No. 129 dated 13 April 2021,” ani Bello.

“We are with the PNP in building a safer place for the Filipino. We can achieve this without adding burden to the transacting public and the people we serve,” dagdag pa ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?