9
benjamin-diokno
By

Hiling ng Palasyo sa Senado: Madaliin ang rice tarrification bill

Sharing is caring!

Hinihingi ng Malacañang sa Senado na ipasa na sa lalong madaling panahon ang rice tariffication bill para maresolba ang napipintong krisis sa bigas sa ilang lugar sa Mindanao .

Ito ang iginiit ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa mga senador bunsod na rin ng mataas na presyo ng bigas dahil sa kakulangan sa suplay ng NFA rice.

Ayon kay Diokno, kapag naipasa ang nabanggit na panukalang batas ay mababawasan nang mula apat na piso hanggang pitong piso ang presyo ng bigas kada kilo.

Nakalusot na noong nakalipas na buwan ang House Bill 7735 o ang Revised Agricultural Tariffication Act sa second reading at umaasa ang Malacañang na maipapasa ito bilang batas sa Kongreso bago matapos ang kasalukuyang buwan.

.

“A shift from quantitative restrictions on rice in favor of tariffication will reduce its retail price by 4 to 7 pesos,“ ani Diokno.

Nananatiling nakasalang sa Senate Committee on Agriculture and Food ang bersyon ng panukalang batas at naghihintay pa ng pag-aksyon ng mga senador.

Nagpalabas na ang gobyerno ng 4.6 milyong sako ng bigas mula sa mga warehouse ng National Food Authority para ikalat sa mga pamilihan sa buong bansa habang naglaan ng 2.7 million na sako para sa mga lugar ng Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?