96

Oct 28, 2017 @ 14:42

Hiling ng isang 11 year old boy sa California, pinagbigyan ni Duterte

“Wish granted” para sa isang 11-anyos na lalaking Pinoy na nakatira sa California nang pagbigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang hiling para sa kanyang school project.

Sa ulat ng Radyo Singko, inilabas ngayong umaga ni Special Assistant to the President Bong Go ang video bilang pagtalima sa hiling ng 11 taong gulang na si Andre Esteban.

Sa kanyang sulat kamay, hiniling ni Esteban na makita ang Pangulo nang personal.

Ayon sa ina nitong si Almyra Grace Custodio, proud Pinoy ang bata at gustung-gusto nito si Duterte bilang Pangulo.

Ayon kay Esteban, estudyante mula sa Fresno Adventist Academy sa California, na may ipepresenta siyang Nationality report hinggil sa Pilipinas sa Nobyembre 15, 2017.

Bunsod nito’y hiniling ng bata na magpadala ang Pangulo ng video kung saan binabati siya, ang kanyang mga guro at mga kaklase na pinagbigyan naman ng Pangulo.

Ang pabor na hiniling ng bata sa Pangulo ay in-upload ng kanyang ina sa Facebook at nakarating naman ito kay Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?