411

Feb 10, 2019 @ 17:33
By

Hilbay suportado ang deportation ng Chinese na nambastos sa pulis

Matapos na i-deport ng mga awtoridad si Sister Patricia Fox, Australian nun na lumalaban para sa human rights ay wala aniyang nakikitang rason si former Solicitor General Florin Hilbay upang hindi palayasin sa bansa ang babaeng Chinese na nagsaboy ng taho sa isang pulis.

“Sister Patricia Fox, an Australian nun who did charity work in the Philippines for decades, was deported for speaking about human rights,” saad ni Hilbay sa isang tweet.

Isang estudyanteng Chinese ang nambastos sa isang pulis matapos na sitahin ito dahil sa dala nitong taho sa MRT-3 sa kabila ng pagbabawal sa anumang uri ng likido upang makaiwas sa anumang banta ng pagsabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?