68

Nov 20, 2019 @ 14:30

Hilbay: Injustice vs. De Lima wakasan na!

Nakiisa rin si dating Otso Diretso senatoriable Florin Hilbay sa panawagan na palayain na si Senadora Leila De Lima.

“End 1000 days of injustice against Leila de Lima,” tweet ni Hilbay ngayong Nobyembre 20, ang ika-1000 araw ng detention ni De Lima.

Inaresto ang senadora noong Pebrero 24, 2017 dahil sa pagkakasangkot umano sa drug trafficking sa New Bilibid Prison noong siya ang Justice Secretary.

Panawagan pa ni Hilbay: “Set. Her. Free.”

Una nang sinabi ni Vice President Leni Robredo na ibasura ang “false charges” laban kay Leila at agad itong palayain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?