66

Oct 23, 2018 @ 11:12
By

Higpit seguridad sa mga tatakbong mayor na may death threat

Handang bigyan ng seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkaldeng may banta sa kanilang buhay lalo na ngayong panahon ng kampanya para sa 2018 midterm elections.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo kagabi sa convention ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Luzon Island Cluster Conference sa Davao City.

Sinabi ng Pangulo na magsabi lamang ang mga alkalde kung kailangan ang proteksiyon para mabigyan ang mga ito ng nakaunipormadong bodyguard.

Limitado lamang aniya sa dalawang security ang ibibigay sa mga alkaldeng may banta sa kanilang buhay.

“If you want security, bigyan ko kayo. You are limited to two naka uniporme,”anang Pangulo.

Kasabay nito sinabi ng Presidente na maglalagay ng mga tropa ng sundalo sa mga lugar na maituturing na hotspot para mangampanya ang mga kandidato.

Tinitiyak ni Duterte na magiging maayos at malinis ang darating na eleksiyon at hindi siya papayag na magkaroon ng dayaan sa mga boto sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?