155

Dec 19, 2017 @ 14:09
By

Higit sa 3 Supt ang nasa listahan ng tiwaling pulis – Bato

Lalampas pa sa tatlong superintendents ng Philippine National Police (PNP) ang kasama sa listahan ng mga tiwali na hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ibinunyag ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa makaraang sabihin ng Pangulo na nais niyang ipatanggal sa PNP ang tatlong tiwaling superintendents at 60 na pulis.

Ayon sa hepe, maraming superintendents at mayroon pang senior superintendent na kasama sa listahan ng pulis na involved sa korapsiyon at iligal na droga na isinumite nila sa Pangulo.

Lilinawin pa niya sa Pangulo kung sino sa listahan ang tinutukoy nitong tatlong superintendents.

Ang pagtukoy at paghahabol sa lahat mga tiwaling pulis ay bahagi ng internal cleansing campaign ng PNP.

Inamin naman ni Bato na isa sa mga dahilan ng pag-extend ng Pangulo sa kanyang serbisyo ay upang matapos ang paglilinis sa hanay ng PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?