26

Jan 14, 2022 @ 8:53
By

Higit P800K halaga ng shabu nasabat sa QC

Nasabat ng pulisya ang higit P800,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Quezon City nitong Huwebes, Enero 13.

Kasabay dito naaresto ang tatlong suspek sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Drug Enforcement Unit (DDEU) officer-in-charge Maj. Wennie Ann Cale, kinilala ang dalawang unang suspek na sina Micheal Bryan Ortiz, 30, at Josephine dela Cruz, 27, kapwa residente ng Baranggay Apolonio Samson.

Isinagawa ng pulisya ang entrapment operation sa Brgy. San Antonio kasunod ng tip mula sa isang impormante bandang alas-2:40 ng madaling araw.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000, isang itim na sling bag, isang coin purse, at buy-bust money.

Samantala, kinilala ni QCPD La Loma Station 1 (PS 1) commander Police Lt. Col Tyrone DG Valenzona ang ikatlong suspek na si Adrian Aleganza, 22, residente ng Brgy. Paang Bundok.

Nakuha kay Aleganza ang humigit-kumulang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000, isang cellphone, at isang pakete ng sigarilyo.

Ngayon, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang tatlong suspek. (Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?