39

By

Higit P700K halaga ng ‘kush’ nasabat sa dalaga

Sharing is caring!

Balik sa kulungan ang 27-anyos na babae matapos na mahulihan ng umaabot sa halagang P720,000 na high-grade marijuana o “kush” sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ang naaresto na si Eunice Zurya, 27, ng Brgy. Salvacion.

Kalalaya lang umano ni Zurya noong Setyembre subalit hindi pa rin umano nito tinigilan ang kanyang iligal na gawain.

Isang undercover cop ang nagpanggap na bibili ng P36,000 halaga ng “kush” at marijuana na nagkakahalaga naman ng P14,000 kay Zurya sa isang fast food store sa Quirino Highway, Kingspoint, Brgy. Bagbag, Novaliches dakong alas-7:30 ng umaga.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang plastic na naglalaman ng 60 gramo ng high-grade marijuana at siyam na plastic ng marijuana leaves na may timbang na limang kilo at boodle money.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?