192

Dec 13, 2017 @ 11:17
By

Higit P7-M na Lotto 6/42 jackpot, nadale ng taga-Leyte

Isang masayang Pasko ang nadarama ngayon ng isang mananaya ng lotto matapos madale nang nag-iisa ang jackpot prize na P7,902,953.00 ng Lotto 6/42 na binola ng Martes ng gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan, isang masuwerteng mananaya na taga-National Highway, Purok 3, Valencia, Ormoc City, Leyte ang nakadale ng masuwerteng number combinations na 40-17-20-18-24-15.

Dagdag pa ni Balutan, “Blessing para sa ating lone winner ang pagkakapanalo niya ng lotto at isang masaya at masaganang Pasko ang ise-celebrate ng kanyang pamilya.”

Hindi pa man nakukuha ng winner ang premyo ay tiyak na masigabong pagdiriwang ang ihahanda nila ngayong Kapaskuhan.

Kasabay nito, nagpapasalamat ang pamunuan ng PCSO sa milyon-milyong tumatangkilik na lotto players nationwide at sa iba pang PCSO lotto games at dahil sa suporta ay nagagawang makatulong ng PCSO sa pamamagitan ng pagbibigay ng charity services sa mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?