38

Jan 12, 2022 @ 12:00
By

Higit P100K halaga ng shabu nasabat sa Laguna

Arestado ang dalawang suspek matapos makuhanan ang mga ito ng higit P100 libo halaga ng hinihinalang shabu sa Laguna.

Nahuli ang mga suspek na sina Mark Nathaniel Baldo at Josie Corales sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Isidro bandang alas-10 ng gabi.

Nakuha sa dalawa ang apat na plastic sachet ng shabu na may bigat na 16 gramo na nagkakahalaga ng P108,800.

Nakumpiska rin ng pulisya ang isang motorsiklo na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek sa kanilang pagbebenta ng iligal na droga.

Samantala, nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong pagpalabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?