44
pnp
By

Higit 9,000 pulis ikakalat sa paligid ng Batasan sa ika-4 na SONA ni Duterte

Mahigit sa 9,000 pulis ang ikakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paligid ng House of Representatives sa Quezon City para sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Ayon kay NCRPO director Police Major General Guillermo Eleazar, aabot sa 9,162 pulis ang ikakalat sa paligid ng Kongreso, sa nabatid na bilang 7,358 sa mga ito ay manggagaling sa NCRPO habang ang 1,100 na pulis ay mula sa Police Regional Offices, at ang 300 ay mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR), habang 404 ay mula sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

Nakatakda namang mag-inspeksyon ang Quezon City Police District (QCPD) sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at IBP Road patungo sa Kongreso para sa preparasyon ng SONA ng pangulo.

“There will be stakeholders meeting and dialogue next week to be followed on the ocular inspection site were the rallyist is set to have their program on SONA,” pahayag ni Eleazar.

Nag-usap na rin si Eleazar at ang Sergeant of Arms ng Kongreso kasa ang ilang inter agency unit para sa seguridad ng Pangulong Duterte sa loob at labas para sa nabatid na event, bukod dito ay tapos na rin ang pakikipagpulong ng hepe ng NCRPO sa mga anti-Duterte rallyist at nagkasundong susunod sa mga alituntunin ng pulisya ang mga ito.

Maaari umanong magsagawa ng rally ang mga anti-Duterte group sa kahabaan ng St. Peter Parish pero kinakailangang wala umanong gulong magaganap at kung sakaling mayroong mga pasaway na raliyista ay hindi umano mangingiming gumamit ngpuwersa ang kapulisan sa mga ito.

“As usual, our police will exercise maximum tolerance but at the same time we asked the militant groups to do their share and police their ranks to ensure a peaceful and orderly SONA day,” saad ni Eleazar.

Wala pa namang naiulat na bayolenteng dispersal sa mga raliyista mula ng umupong Pangulo si Duterte noong 2016.

Bukod sa kongreso ay babantayan din ng NCRPO ang Mendiola, United States Embassy at EDSA Shrine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?