3,012

By

Higit 800 kawani ng DSWD, nanganganib masibak

Sharing is caring!

Sama-samang nagprotesta ang may 856 empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) field office sa Northern Mindanao matapos ang balitang tatanggalin na sila sa susunod na taon.

Nagkilos-protesta sa DSWD regional office ang mga empleyado para tuligsain ang implementasyon ng joint circular na pinirmahan ng Department of Budget and Management (DBM) at Civil Service Commission (CSC), bilang Rules and Regulations Governing Contract of Service and Job Order Workers in the Government.

Nabatid na ang mga kawani na mula sa Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP) ay kabilang sa joint circular kung saan ay patuloy na nagpapapasok ang DSWD ng contract of service sa pamamagitan ng manpower agencies.

Ayon kay Morena Fernandez, SWEAP-Northern Mindanao president, tutol sila sa nagaganap na provision dahil karamihan sa mga contract of service at job order workers ay bahagi na ng DSWD.

Paliwanag pa ni Fernandez, bilang isang empleyado ng DSWD ay ginagawa nila ang kanilang obligasyon at trabaho para sa pamilya at komunidad.

Nagpadala na si Fernandez ng liham sa CSC para ilatag ang kanilang pagtutol sa nagaganap na implemenstasyon ng naasabing joint circular na nagbibigay ng panganib sa trabaho ng 856 cost of service workers ng DSWD.

Nabatid na ang DSWD Northern Mindanao ay mayroong 134 regular workers; 778 contractuals at 856 contract of service workers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?