11
Abante-VisMin-Radar-pnp
By

Higit 7K pulis ipapakalat sa 2018 ADB annual meeting

Sharing is caring!

Walang namomonitor na anumang banta sa seguridad sa ginaganap na 51st Asian Development Bank (ADB) annual meeting ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Police Chief Supt. Alfredo Valdez, commander ng Special Task Group-ADB 2018, maayos at mahigpit na nailatag ang seguridad para sa malaking pagtitipon.



Pero sinabi ni Valdez na bagama’t walang banta ay nakaalerto ang kanilang hanay sa gaganaping pagpupulong mula Mayo 3-6.

Una nang inihayag ng PNP na 7,700 pulis ang ipapakalat sa kasagsagan ng aktibidad kung saan magpapatupad ng major security framework ang pambansang pulisya para rito.

Sinabi naman ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, kaparehong seguridad aniya noong ASEAN summit sa bansa ang kanilang ipapatupad sa ADB meeting.



Sa kasalukuyan ay mahigit 4,000 na ang mga delegado na nasa bansa para sa pagpupulong.

Wala namang inaasahang gagawing kilos-protesta sa kasagsagan ng 2018 ADB meeting, ayon sa National Capital Region Police Office.



Tinatayang 3,000 delegado mula sa 67 mga bansang miyembro ng ADB ang dadalo sa malaking aktibidad.



Ito na ang ika-limang beses na nag-host ang Pilipinas sa ganitong malaking pagtitipon.

Layon ng pagtitipon na makatulong sa pagpapaangat ng ekonomiya ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?