33

Sep 15, 2021 @ 22:11
By

Higit 753K Pfizer bakuna dumating

Dagdag 753,480 dose ng COVID-19 vaccine na binili sa Pfizer ang dumating sa bansa.

Ayon sa PTV report, lumapag ang eroplanong may sakay na bakuna sa Ninoy Aquino Terminal 3.

Sa 753,480 dose, 650,520 bakuna umano ang dadalhin sa Pharmaserv Express sa Marikina City.

51,480 dose naman ang ipamamahagi sa Cebu habang 51,480 dose sa Davao City.

Kabuuan nang 17 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa Oktubre target turukan kontra COVID ang general public kung saan prayoridad ang mahihirap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?