71

Dec 22, 2017 @ 16:36
By

Higit 700 pamilya nananatili sa evacuation centers dahil sa bagyong Urduja

Nananatili sa 705 mga pamilya sa Region 5 at Biliran sa lalawigan ng Leyte ang nasa 31 evacuation centers sa ngayon.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, nagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong ng mga lokal na pamahalaan at mga taga-DSWD.

Kabuuang 12,041 mga bahay naman ang naitalang nasira dahil sa bagyong Urduja; 2,918 dito ay totally damage at 9,120 ay partially damage.

Ang mga nasirang bahay na ito ay namonitor ng NDRRMC sa Regions 5, 8 at CARAGA.

Umabot rin sa halagang P559 milyon ang napinsala sa sektor ng imprastraktura at halagang P581 milyon sa mga pananim.

Nasa 45 katao naman ang nasawi habang 46 ang nawawala na naitala ng NDRRMC. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?