103

Jan 2, 2018 @ 17:51
By

Higit 600 pamilya lumikas na sa bagyong Agaton

Lumikas ang may 611 pamilya dahil sa epekto ng bagyong Agaton sa bansa.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, karamihan sa mga pamilyang lumikas ay naitala sa Capiz, Zamboanga del Norte at ilang lalawigan sa CARAGA.

Patuloy din ang ginagawang validation ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG) para makumpirma ang report ng pagkamatay ng dalawang katao sa Cebu.

Umaabot na rin sa isang daang indibiduwal ang naapektuhan ng bagyong Agaton.

Dahil dito nakaalerto ang mga taga-Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magbigay ng tulong sa mga naapektuhan at maaapektuhan ng pananalasa ng bagyong Agaton.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?