250

By

Higit 5K kaso ng dengue naitala sa Calabarzon

Umabot na sa tinatayang 5,616 ang kaso ng dengue na naitala sa Calabarzon mula noong January 1 hanggang March 16, at karamihan sa mga biktima ay mula sa Cavite, saad ng Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH regional director Eduardo Janairo, 1,788 kaso na ang naitala sa Cavite; 1,248 sa Batangas; 1,135 sa Laguna; 823 sa Quezon, at 622 sa Rizal.

Saad ni Janairo, ang bilang ng kaso ay isang porsyentong mas mataas kompara sa nakaraang taon.

Ang mga pasyente ay nasa edad na 1 month – 100 anyos, at nasa 53 % o 2, 990 ay lalaki.

Siniguro naman ni Janairo na ang regional health office at ang mga concerned local government units ay namomonitor ang mga kaso.

Aniya, ang mga vector control spraymen ay dineploy na sa mga barangay na may mataas na insidente ng dengue.

Saad pa ni Janairo, nag-train umano sila ng mga sanitary inspectors at spraymen sa preparasyon at aplikasyon ng insecticide para sa dengue control.

Ininspeksyon na rin umano ang mga ospital upang masiguro na na establish ang mga dengue fast lane at available ang mga dengue test kit sa mga health center at public hospitals.

Hinikayat naman ng DOH ang mga local government units na palakasin at ipagpatuloy ang implementasyon ng enhanced 4s strategy upang malabanan ang dengue.

Ang 4S ay nangangahulugang search and destroy mosquito breeding sites, secure self-protection, seek early consultation at support fogging or spraying to prevent an impending outbreak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?