36

Jun 22, 2020 @ 22:05

Higit 51K OFWs napauwi na- DFA

Nasa 51,113 kabuuang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFW) ang nasilbihan na ng pamahalaan at napauwi simula pa noong Pebrero 2020 mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng apat na chartered flights na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon sakay ang 1,464 OFW mula sa Lebanon, United Arab Emirates, Saudi Arabia at Macau.

Ayon sa DFA nasa 29, 302 Pinoy Seafarers o 57.33% ang naiuwi na ng pamahalaan habang umabot na sa 21,811 kabuuang bilang o 42.67% ng landbase OFWs kasama na ang pinakahuling dumating mula sa Japan, Norway, Oman, Saudi Arabia, United Arab Emirates, United States of America, at Vietnam.

Inihayag pa ng DFA na ligtas naman na naiuwi ang 30 Pinoy stranded mula sa India at Sri Lanka sakay ng BRP Davao Del Sur noong June 12, 2020. (Otto Osorio)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?