98

Dec 6, 2019 @ 13:59

Higit 500K overseas voters inalis sa listahan ng Comelec

Aabot sa 578,185 overseas na mga botante ang tinanggal sa listahan ng Commission on Elections (Comelec) matapos na hindi bumoto ang mga ito nitong nakaraang 2016 at 2019 national at local elections.

Ito ang pahayag ng Department of Foreign Affairs Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS).

Hinikayat ng DFA na muling magparehistro ang mga ito upang makaboto sa 2022 presidential elections.

Ayon sa DFA, lahat ng OFWs, immigrants, seafarers, mga estudyanteng nasa ibang bansa at hindi pa rehistradong overseas voters ay maaaring magparehistro mula Disyembre 16, 2019 hanggang Setyembre 30, 2021.

Kabilang sa mga lugar kung saan maaaring magparehistro ay sa mga embahada ng Pilipinas, Consulate General, Mission, Manila Economic and Cultural Office at mga overseas voter registration centers na itinalaga ng Comelec. (armida d. rico)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?