Mahigit 50,000 indibiduwal ang fully-vaccinated na laban sa coronavirus disease, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19 ngayong Miyerkoles.
Kabuuan nang 922,898 vaccine dose ang naiturok as of April 6.
Sa bilang, 50,685 dose ay second dose, na ibig sabihin ay fully-vaccinated na ang mga tumanggap nito.
Samantala, 872,213 naman ay tumanggap pa lamang ng unang dose.
Dalawa pa lamang ang brand ng bakunang mayroon sa Pilipinas: Sinovac at AstraZeneca.