42

Oct 28, 2017 @ 10:35

Higit 5,000 pulis ipapakalat para sa Undas

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng kabuuang 5,300 mga pulis para magbigay ng mas mahigpit na seguridad sa publiko sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon kay NCRPO Chief, Police Director Oscar Albayalde, bukas pa lamang ay magde-deploy na sila ng mga tauhan sa mga sementeryo, terminal ng bus at iba pang matataong lugar.

Bukod sa 5,300 na mga pulis, may 1,900 na mga barangay tanod at civilian volunteers ang tutulong sa PNP sa pagbibigay-seguridad.

Sinabi pa ni Albayalde, na inaasahan na nilang mataas ang banta sa seguridad sa Metro Manila dahil maliban sa paggunita ng Undas ay isasagawa rin ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Dahil dito, mas pinaigting nila ang kanilang intelligence gathering. (Red Fotaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?