5

Oct 14, 2020 @ 13:10
By

Higit 500 stranded sa Bicol

526 katao ang stranded sa Bicol ngayong Miyerkoles ng umaga dahil sa Tropical Depression Ofel.

Sa situation report ng Office of Civil Defense (OCD) V, as of 8 a.m. ng Oktubre 14, sinabing 414 indibidwal ang stranded sa Sorsogon, habang 112 naman sa Albay.

Stranded din anila ang nasa 156 truck, 41 light vehicle, at 17 sasakyang-dagat.

Una nang sinabi ng PAGASA na tumama ang pangalawang landfall ni “Ofel” bandang alas-sais kaninang umaga sa Matnog, Sorsogon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?